QC nagbukas ng bagong vaccination portal
Inilunsad ng Quezon City government ang bagong vaccine registration portal nito.
Ang QC Vax Easy ay gagamitin sa registration processes para sa QCProtektodo Vaccination Program.
Kailangan lamang mag-fill up ng form ng mga magpaparehistro sa link na https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
Ayon kay City Administrator Michael Alimurung, makatutulong ito para matugunan ang concern ng maraming residente ng QC na nagkakaproblema sa pagpaparehistro.
“In light of the various difficulties that our people are experiencing in the barangay-assisted booking and online booking, this QC Vax Easy portal will aid us in registering QC residents and workers into the vaccination program,” ani Alimurung.
Ang mga magpaparehistro sa QC Vax Easy ay mabibigyan ng schedule para sa pagbabakuna depende sa availability ng COVID-19 vaccine.
Mananatili ang pagsunod sa priority group sa ilalim ng alituntunin ng IATF.
Operational pa rin naman ang EzConsult at ang barangay-assisted booking schemes. (Dona Dominguez-Cargullo)