QC Mayor Belmonte lumagda ng kasunduan sa national government at AstraZeneca para sa pagbili ng COVID-19 vaccine
Nilagdaan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tripartite agreement ng lokal na pamahalaan, national government sa pamamagitan ng DOH at NTF-COVID-19, at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines para sa pagbili ng inisyal na doses ng COVID 19-vaccine para sa mga residente ng lungsod.
Ito ay makaraang maipasa ng Quezon City Council ang panukala para sa pagbili ng unang doses ng COVID-19 vaccine.
Sa resolusyong ipinasa ng konseho, binibigyang go signal ang pamahalaang lungsod na gumawa ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Quezon City laban sa COVID-19.
Magiging prayoridad sa pagbabakuna ang 10,000 health workers sa QC, 300,000 senior citizens, 20,000 adult persons with disabilities, at iba pang priority sectors base sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).
Una nang naglaan ng inisyal na P1 billion ang QC Government sa kanilang 2021 budget para sa pagbili ng mga bakuna at supplies. (D. Cargullo)