Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 53,236 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 63,364 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Huwebes, April 15.
Samantala, nasa 9,181 o katumbas ng 14.5 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
53,236 o 84 percent ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 947 o 1.5 percent ang nasawi.