Publiko pinag-iingat ng PHLPost sa e-mail scam
Nagpalabas ng babala sa publiko ang Philippine Postal Corporation o PHLPost kaugnay sa e-mail scam gamit ang pangalan ng ahensya.
Ayon sa PHLPost mayroong kumakalat na e-mail na nagsasabing mayroong parcel o sulat na kailangang kunin sa post office at may kaukulang bayad.
Ayon sa PHLPost, ang nasabing e-mail ay scam at hindi galing sa ahensya at layon lamang makapanloko o mambiktima.
Payo ng PHLPost sa publiko, alamin ang tracking o parcel number at beripikahin ito sa PHLPost Customer Service sa numerong 8527-0111 para matiyak na mayroon nang parcel o liham na kailangang kuhanin.
Pwede ring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng PHLPost.