Publiko maari nang magpa-schedule sa Red Cross para magpasailalim sa Saliva RT-PCR Test
Nagsimula na ang Philippine Red Cross ng pagsasagawa ng Saliva RT-PCR Test para sa COVID-19.
Sa halip na kumuha ng sample sa ilong at bibig na ginagawa sa swab test, laway na lamang ang kailangan upang malaman kung ang isang tao ay positibo sa COVID-19.
Para makapagpasailalim sa Saliva RT-PCR Test, kailangang magpa-schedule sa Red Cross.
I-click lamang ang link na http://book.redcross1158.com
Nagkakahalaga ng P2,000 ang kada test na mas mura din kumpara sa swab test.
Maaaring magpa-test sa mga molecular laboratory ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong at Port Area.
Paalala ng Red Cross, bawal kumain, uminom ng tubig o kahit anong inumin, manigarilyo, magsipilyo o magmumog, 30 minuto bago gawin ang Saliva RT-PCR Test. (D. Cargullo)