PUBLIC SERVICE: Mag-aaral mula Tagumpay National High School naparalisa at kailangang sumailalim sa neck at upper spinal operation

PUBLIC SERVICE: Mag-aaral mula Tagumpay National High School naparalisa at kailangang sumailalim sa neck at upper spinal operation

Isang mag-aaral mula sa Tagumpay National High School sa Montalban, Rizal ang kasalukuyang naka-confine sa Philippines Children Medical Center.

Ang batang si Mark Allen Banastao ay paralyzed at kinakailangan sumailalim sa neck at upper spinal operation.

Batay sa resulta ng kanyang CT Scan ay kinain na ng mass ang kanyang spinal cord at ang daanan ng kaniyang hininga.

Mayroong mga nerves din na naipit, na naging dahilan ng kanyang pagka-paralyzed at pahirap sa paghinga.

Nakita rin na hindi na naka-align ang kanyang spinal cord kaya kailangan itong i-align, tanggalin ang tumor at lalagyan ng bakal.

Ang kinakailangang halaga para sa paglalagay ng bakal sa kaniyang katawan ay umaabot ng P250,000.

Kaya naman kumakatok sa inyong puso ang pamilya ni Allen.

Para sa mga nais mag-donate ng kahit maliit man na halaga maaring tumulong sa sumusunod na pamamaraan:

GCASH
Ely Banastao (father of Allen)
09664922607

Maari ding makipag-ugnayan kay Suzette Delmundo (mother of Allen) sa pamamagitan ng Facebook.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *