PSC patuloy ang paghahanda sa pagpasok sa Olympic training bubble ng iba pang national athletes

PSC patuloy ang paghahanda sa pagpasok sa Olympic training bubble ng iba pang national athletes

Nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Olympic training bubble sa mga national athlete.

Isinasagawa ang training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ngayong araw, naglagay ng mga training equipment na gagamitin ng mga atleta.

Ang ibang atleta ay naghihintay pang makumpleto ang kanilang testing at quarantine requirements para makapasok sa training bubble.

Noong nakaraang Linggo pormal na binuksan ang training bubble para sa mga pambansang atleta na sasabak sa Olympics.

Nauna nang nakapasok sa tinawag na “Calambubble” ang mga national boxer na sina Nesthy Petecio, Marjon Pianar at Junmilardo Ogayre.

Nakapasok na din sa training bubble ang mga pambato ng Pilipinas sa Karate na sina Sharief Afif, Ivan Agustin, Alwyn Batican, Jayson Ramil Macaalay at Norman Montalvo.

Habang nakapasok na din sa Academy ang mga pambato sa Taekwondo na sina Kirstie Alora, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Baby Jessica Canabal, at Lalla Delo. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *