Provincial government ng Samar nagpatupad ng moratorium sa pagpapauwi ng mga LSI sa lalawigan

Provincial government ng Samar nagpatupad ng moratorium sa pagpapauwi ng mga LSI sa lalawigan

Iniutos ni Samar Gov. Reynolds Michael Tan ang suspensyon sa pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa lalawigan.

Ito ay dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na karamihan ay pawang umuwing LSI sa Samar.

Nagsimula ang moratorium ngayong araw August 25 at tatagal hanggang hatinggabi ng September 24.

Hanggang kahapon, araw ng Lunes, mayroon nang 719 na kaso ng COVID-19 sa Samar.

Kasabay nito nanawagan si Tan sa mga lokal na pamahalaan na kalapit ng Samar na magpatupad ng parehong moratorium.

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *