Provincial Capitol Bldg. ng Rizal sasailalim sa isang linggong lockdown; 16 na empleyado nagpositibo sa COVID-19
Isasara sa loob ng isang linggo ang capitol building ng Rizal Provincial Government.
Sa Facebook Post ng Provincial Government simula ngayong araw, August 3 ang pagsasara para mabigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection at sanitation activities.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 16 na empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.
Patuloy ang ginagawang contact tracing at pag-isolate sa mga na-expose sa mga pasyente.
Magkakaroon ng Skeletal workforce ang lahat ng tanggapan ng Kapitolyo sa Ynares Center para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo-publiko. (END)