Progress rate ng PNR Clark Phase 1 project, 43 percent na

Progress rate ng PNR Clark Phase 1 project, 43 percent na

Nasa 43 percent nang kumpleto ang progress rate ng PNR Clark Phase 1 o mas kilala bilang Malolos-Tutuban segment ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Patuloy ang pagsasagawa ng bored piling works, structural excavation works, pag-iinstall ng first layer bottom bar, fabrication of precast segment, at girder launching sa proyekto.

Kasama din sa proyekto ang pansamantalang kontruksyon ng mga access road, mga tulay at pasilidad sa lugar.

Ang 38-km PNR Clark Phase 1 ay isa sa tatlong (3) bahagi ng NSCR Project, ang pinakalamalaking transportation infrastructure ng Department of Transportation (DOTr).

Ang proyekto ay magdurugtong sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON.

Inaasahan na malaking ginhawa para sa mga biyahero ang PNR Clark Phase 1 dahil bukod sa makatutulong ito sa pagluwag ng trapiko sa Metro Manila ay mababawasan din ang oras na igugugol sa biyahe mula Tutuban, Manila hanggang Malolos, Bulacan.

Mula sa dating nasa isang oras, magiging 30 hanggang 35 minuto na lamang ang biyahe.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *