Profiling at red tagging sa mga nasa likod ng Community Pantry itinanggi ng PNP

Profiling at red tagging sa mga nasa likod ng Community Pantry itinanggi ng PNP

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing profiling at red tagging sa mga nasa likod o nag-oorganisa ng community pantries.

Ayon sa pahayag ni PNP chief, Police General Debold Sinas, walang anumang inilalabas na utos ang National Headquarters para magsagawa ng profiling sa organizers ng community pantries.

Sinabi ni Sinas na batid ng PNP na ang mga aktibidad ng community pantries ay pagpapakita ng espiritu ng Bayanihan.

Nangyari na rin aniya ang kahalintulad na aktibidad noong 2020 kung saan may mga farmers’ organizations at LGUs ang nagdala ng kanilang mga produktong gulay at prutas sa mga depressed communities sa Metro Manila.

Hindi rin aniya nanghimasok noon ang PNP at sa halip ay tumulong lamang para sa magtiyak ng kaayusan at seguridad.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *