Private schools pwede nang magsimula ng klase ayon sa DepEd

Private schools pwede nang magsimula ng klase ayon sa DepEd

Matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang paglipat sa petsa ng pagbubukas ng klase mula, August 24 hanggang October 5 ay naglabas ng guidelines ang ahensya para sa petsa ng pagbubukas ng klase sa mga pribadong paaralan.

Ayon sa DepEd, ang desisyon ng pangulo na ilipat ang pagbubukas ng paaralan para sa taong-panuruan 2020-2021 mula Agosto 24, 2020 patungong Oktubre 5, 2020, sa bisa ng rekomendasyon ng Kalihim ng Edukasyon ukol sa mga implikasyon ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Alinsunod ito sa Batas Republika 11480, na inamyendahan ang RA 7797, na nag-aatas sa Pangulo, mula sa rekomendasyon ng Kalihim ng Edukasyon, na magtakda ng pagbubukas ng klase na hihigit sa huling araw ng Agosto o sa buong bansa o sa ilang lugar kung saan may deklarasyon ng ‘state of emergency’ o ‘state of calamity’.

Matapos komunsulta sa tanggapan ng Executive Secretary kung naangkop ang nasabing desisyon sa mga pribadong paaralan at mga paaralang hindi sakop ng Kagawaran, kinaklaro ng DepEd na ang mga pribadong paaralan o paaralang hindi sakop ng Kagawaran na nagsimula na ng kanilang klase, o nakatakdang magsimula ng klase sa Agosto 24, o iba pang petsa bago ang Oktubre 5, ay pinapayagang magpatuloy ngunit distance learning modalities ang gagamitin at ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes.

Ang mga paaralang ito ay nararapat na magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa mga Regional Director ayon sa DepEd Order No. 007, s. 2020 (School Calendar and Activities for School Year 2020-2021), at sa DepEd Order No. 013, s. 2020 at DepEd Order No. 017, s. 2020 na nauukol sa readiness assessment. (END)

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *