Presyo ng produktong petrolyo may dagdag-bawas ngayong linggo
Epektibo bukas, araw ng Martes (February 2) mayroong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa inilabas na abiso ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na 25 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Mababawasan naman ng 25 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.
Epektibo ang paggalaw sa presyo ng karamihan sa mga kumpanya ng langis alas 6:00 ng umaga bukas. (D. Cargullo)