Prangkisa ng ABS CBN dadaan pa din sa butas ng karayom – Rep. Marcoleta

Prangkisa ng ABS CBN dadaan pa din sa butas ng karayom – Rep. Marcoleta

Taliwas sa pagtiyak ni House Deputy Speaker Atienza na sa 2021 ay possible nang makakakuha ng panibagong legislative francnhise ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, para kay SAGIP Partylist Rep Rodante Marcoleta ay dadaan pa rin ito sa butas ng karayom.

Ayon kay Marcoleta, isa sa pangunahing tumutol sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, na may karapatan ang TV network na muling mag-apply ng prangkisa sa Kamara subalit kung maaprubahan ito ay nakadepende sa maraming bagay, una na dito ay kung nagkaroon ng reporma, nagkaroon ng bagong management at kung natugunan na ang mga naging violations nito.

“Kung mag-apply sila pero yung mga tao nasa likod nito ay sila sila pa rin, yung pasilidad ganun pa din, walang nakitang reporma ay baka hindi pa rin sila mabigyan ng franchise” giit ni Marcoleta.

Giit pa ng mambabatas na ang bawat isang probisyon sa prangkisa ng ABS-CBN ay hihimayin din isa isa kaya kung sya ang tatanungin ay matatagalan pa bago sila mapagbigyan.

“Yung provision sa kanilang franchise mula Section 1 hanggang sa dulo ay susuriin nang mabuti, ito ay pagtiyak na hindi na mauulit yung mga naging violations kaya matatagalan pa bago ang sinasabing makakabalik sila sa ere”paliwanag pa ni Marcoleta.

Para din sa grupong Federation of International Cable TV and Telecommunication Association of the Philippines (FICTAP) dapat munang bayaran ng ABS-CBN ang P1.6 trilyon nitong penalties sa kanilang naging violations bago pa magbalak na magrenew ng kanilang prangkisa.

“Bago sana pag-usapan sa Kamara yung renewal, masatisfy ang government na mabayaran yung penalties, kasi kaming cable operators pagka meron kaming mga shortcomings sa National Telecommunications Commission(NTC) hindi narerenew yung aming mga permit kung hindi kami magbayad ng mga unpaid na penalties, eh bakit sila magrerenew nang hindi naman sila nagbabayad ng kanilang penalty” pahayag ni FICTAP President Estrellita Tamano.

Matatandaan na una nang kinumpirma ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“I am really confident, justice will prevail by next year. They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad eh”nauna nang pahayag ni Atienza.

Sinabi naman ni House Minority leader at Abang-Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunud na rin sa rules ng Kamara.

Maliban kay Atienza at sa Makabayan Bloc ilan pang mambabatas na sumusuporta at nagsponsor ng ibat ibang resolusyon at panukala para sa franchise renewal noon ng ABS-CBN ay sina Rep Sol Aragones, Lawrence Fortun, Mark Go, Rufus Rodriguez, Josephine Sato, Micaela Violago, Rosemarie Arenas,Loren Legarda, Vilma Santos-Recto at Joy Tambunting, ang dalawang sponsor na sina Paduano at Kabayan Partylist Rep Ron Salo ay nagwithdraw ng kanilang support kalaunan.

Sa ngayon ay wala pang pro-ABS-CBN congressman ang naghahayag ng kanilang intensyon na maghain ng panukala para irenew ang prangkisa ng ABS-CBN subalit kung pagbabayaan ang House rules ay maaaring hindi na maghain ng bagong aplikasyon dahil maaari namang gamitin.

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *