Positivity rate ng COVID-19 sa NCR at Calabarzon patuloy sa pagbaba
Patuloy sa pagbaba ang positivity rate sa National Capital Region at sa Calabarzon.
Ayon sa OCTA Research nasa 7 percent na lang ang positivity rate sa NCR.
10 percent pababa naman ang positivity rate sa mga lalawigan sa Calabarzon.
Kagaya ng NCR, nasa low risk na lamang din ang Cavite, Laguna, Quezon at Rizal.
Habang nasa moderate risk ang Batangas, subalit inaasahang bababa na din ito sa low risk sa susunod na mga araw.
Sinabi ng OCTA Research na nalalapit na ring maabot ng Quezon ang very low risk classification. (DDC)