POLO titiyaking makababalik sa kanilang employers ang mga Pinoy sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19
Umabot na sa animapung Pinoy sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa animnapung COVID-19 positive na OFWs, 49 ang asymptomatic, 9 ang may sintomas at nasa ospital at 2 ang gumaling na.
Tiniyak naman ng DOLE na sa pamamagitan ng Phililippine Overseas Labor Office (POLO) ay nabibigyan ng tulong ang mga OFW.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nakipag-ugnayan ang POLO sa Hong Kong Center for Health Protection at non-government organizations para sa hospital admission o quarantine ng mga apektadong OFWs.
Binibisita din aniya ang ng POLO ang mga nasa quarantine facilities at dinadalhan ng pagkain, gamot at power banks.
Ayon kay Bello, ang COVID-19 infection ay hindi balidong ground sa termination ng kontrata kaya nakikipag-ugnayan ang POLO sa mga employers ng mga OFW para matiyak na makababalik sila sa trababo sa sandaling gumaling na sa sakit.
Sa ilalim ng After-care Financial Assistance Program ang OWWA ay magbibigay ng $200 (US dollars) sa mga nagpositibong OFWs.
Dagdag na $200 naman ang matatanggap ng mga OFWs na may concern sa quarantine facilities. (DDC)