PNP tutulong sa idaraos na mock election ng Comelec

PNP tutulong sa idaraos na mock election ng Comelec

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa idaraos na mock election ng Commission on Elections (Comelec) sa Dec. 29.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, makatutulong din ang nationwide mock election sa mga pulis para maobserbahan ang
aktwal na proseso sa 2022 National and Local Elections.

Naghihintay na lamang ang PNP sa opisyal na abiso mula sa Comelec para sa idaraos na mock elections.

Ani Carlos, ang pre-election activity ay makatutulong sa PNP para sa pagtukoy ng strategic plan sa deployment at evaluation sa mga bagay na kailangan pang isaayos.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga tauhan ng PNP ay bawal sa loob ng mga voting precincts.

Itinatalaga lamang sila sa bisinidad ng botohan para magpanatili ng peace and order.

Tutulong din ang PNP para siguruhin na ligtas ang paglilipat sa mga balota at iba pang election paraphernalia. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *