PNP nakapagtala ng mahigit 20,000 paglabag sa health protocols sa pagpapairal ng ECQ sa NCR
Noong unang araw pa lamang ng pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila noong August 6 ay umabot na sa 20,000 ang naitalang paglabag sa health protocols ng PNP.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, nakapagtala ng 20,5111 na violators. Sa nasabing bilang, 5,781 ang lumabag sa curfew hours, 14,775 naman ang lumabag sa minimum public health standards gaya ng hindi tamang pagsusuot ng face mask, walang face shields at hindi sumusunod sa physical distancing.
Sa Metro Manila may naitalang pinakamaraming lumabag sa curfew na umabot sa 4,394 kasunod ang Cavite na nakasailalim din sa ECQ na nakapagtala ng 540 na lumabag sa curfew.
May mga nahuli ding lumabag sa curfew sa Rizal, at Laguna. (DDC)