PNP nakapagsasagawa ng 420 COVID-19 tests kada araw
Nakapagsasagawa ng 420 tests kada araw ang dalawang molecular laboratories ng PNP sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Chief, Police General Debold M. Sinas, dahil sa pagtaas ng testing capacity sa PNP, nagkakaroon na ng early detection sa COVID-19 cases sa pambansang pulisya.
Sa ngayon, 38.74% o 85,623 ng 221,038 personnel ng PNP ang naisailalim na sa COVID-19 test.
Samantala, isa pang molecular laboratory ng PNP ang nakatakda ring buksans a Cebu na mayroong daily testing capacity na 80.
“Madami kaming tine-test, mababa yung infection namin,” ayon kay Sinas.
Inatasan aniya ang lahat ng PNP Units na magkaroon ng early detection tests bago pa man makaranas ng sintomas ng sakit.