PNP lawyer bumagsak sa drug test

PNP lawyer bumagsak sa drug test

Ipinag-utos ni PNP Chief, Police General Debold Sinas ang pagsibak sa PNP non-uniformed lawyer makaraang bumagsak sa drug test sa isinagawang random drug testing ng Internal Affairs Service sa Central Luzon.

Ayon kay Sinas, sasailalim sa pre-charge investigation at Summary Dismissal Proceedings si NUP Atty. Efren Garcia II dahil sa Grave Misconduct.

Ito ay makaraang magpositibo sa Methamphetamine ang urine specimen na kaniyang isinumite noong February 24, 2021.

Positibo pa din ang resulta sa isinagawang confirmatory drug testing kay Garcia.

Si Garcia ang hepe ng Legal Affairs Division ng Regional Internal Affairs Service 3 (RIAS 3).

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *