7 bagong platform monitors sa Shaw station, nagagamit na ng MRT-3

7 bagong platform monitors sa Shaw station, nagagamit na ng MRT-3

Nagagamit na ng mga transport marshal ng MRT-3 ang 7 bagong platform monitors sa Shaw Boulevard station.

Ang platform monitors, na inilagay sa magkabilang mga bounds ng linya, ay gumagabay rin sa mga train drivers upang makita kung nasa loob na ang lahat ng pasaherong sasakay at masigurong ligtas nang patakbuhin ang tren.

Matatandaang nauna nang nakapaglagay ng kabuuang 37 platform monitors ang pamunuan ng MRT-3 sa unang 11 istasyon nito: sa North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni Avenue, Guadalupe, Buendia, at Ayala.

Katuwang ng MRT-3 sa malawakang upgrading ng signaling at communications equipment sa mga istasyon ang maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *