Planta ng Nissan Philippines sa Sta. Rosa, Laguna isasara na

Planta ng Nissan Philippines sa Sta. Rosa, Laguna isasara na

Isasara na ng Nissan Philippines ang assembly plant nito sa Sta. Rosa, Laguna kasunod ng pasyang ihinto na ang paggawa ng kanilang Almera model dito sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez.

Epektibo sa March 2021, ihihinto na ang plant operations para sa Nissan Almera sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay Lopez, napagpasyahan ito ng Nisan bunsod ng mahinang benta ng sasakyan at low market share ng passenger car ntong Almera.

Ang mayorya ng sales ng Nissan ay sa imported pick-ups at sport utility vehicles (SUVs) nito.

Layon ng Nissan na magbawas ng gastusin ng hanggang 15 percent. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *