Pitong pulis inasunto ng murder at frustrated murder kaugnay sa pananambang kay dating Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino

Pitong pulis inasunto ng murder at frustrated murder kaugnay sa pananambang kay dating Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino

Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong murder at frustrated murder sa Department of Justice ang pitong pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Pinagbasehan ng NBI sa pagsasampa ng asunto ang limampu’t-tatlong (53) mga testimonya, CCTV footages, at cellphones na kanilang nakalap habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga inasunto ng NBI ang mga sumusunod:
* Police Lt. Col. Harry Sucayre
* Police Maj. Shyrile Tan
* Police Capt. Dino Goles
* Police Lt. Julio Armeza Jr.
* Police Senior Sgt. Neil Cebu
* Police Senior Sgt. Edsel Omega
* Patrolman Nino Salem
* Julius Garcia
* Randy Merelos

Si Aquino ay binaril ng hindi bababa ng dalawampu’t-isang beses sa Barangay Lonoy, Calbayog City noong March 8 na ayon sa mga saksi ay ambush.

Una nang inilarawan ng mga pulis ang insidente bilang shootout.

Naniniwala ang anak ni Aquino na si Mark na politika ang motibo sa pagpatay sa kanyang ama.

Nakiusap din siya sa PNP na maging patas at paharapin sa paglilitis ang mga sangkot na opisyal ng pulisya.

Aniya, patuloy ang banta sa kanilang pamilya.

Dati na ring sinabi ni Mark na nakatanggap siya ng death threats matapos paslangin ang kanyang ama.

Maliban sa alkalde, kanyang driver, security aide, ay isang sibilyan din ang nasawi sa ambush. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *