Pitong katao huli ng Coast Guard sa ilegal na pangingisda sa Loay, Bohol

Pitong katao huli ng Coast Guard sa ilegal na pangingisda sa Loay, Bohol

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa ilegal na pangingisda sa Loay, Bohol.

Nagsagawa ng seaborne patrol ang Coast Guard at mga tauhan ng Philippine National Police sa karagatang sakop ng Loay.

Ito ay makaraang makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na illegal fishing sa lugar.

Doon nadatnan ng mga otoridad ang pitong mangingisda.

Hinuli sila dahil sa paglabag sa Article IX Section 50 ng Municipal Ordinance 2004 – 02.

Dinala sila sa Loay Municipal Police Station para sa isasampang karampatang kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *