Pinoy seafarers na stranded sa China mula nang magkaroon ng pandemic, nakauwi na sa bansa

Pinoy seafarers na stranded sa China mula nang magkaroon ng pandemic, nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa bansa ang labinganim na seafarers na na-stranded sa China dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ala 1:30 ng madaling araw ngayong Martes (Sept. 29) nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang chartered flight na sinakyan ng mga Pinoy.

Kabilang sa mga umuwi ang 11 seafarers mula sa Ocean Star 86 na na-stranded sa Dongshan mula March 2020.

Nakauwi na din ang 5 pang seafarers ng M/V Maria P. na na-stranded naman sa Ningde simula July 2020.

Ang dalawang barko ay parehong Chinese fishing vessels na naapektuhan ng “no disembarkation” policy sa China.

Samantala sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola, mayroon ding 3 land-based OFWs mula China ang kasabay na dumating. (END)

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *