Pinalawig na travel restrictions sa mga bansang may UK variant ng COVID-19 ipatutupad na ng BI
Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagpapalawig sa pag-iral ng travel ban hanggang January 31.
Sa pahayag sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na natanggap na ng ahensya ang utos mula sa Malacanang at sa IATF na nagpapalawig ng travel ban.
Sakop ng expanded travel restrictions ang mga dayuhan mula sa 33 travel-restricted countries bilang pag-iingat ng bansa sa UK variant ng COVID-19.
Kabilang sa mga dayuhang hindi pinapayagang pumasok sa Pilipinas ay mula sa mga sumusunod na bansa:
– United Kingdom
– Denmark
– Ireland
– Japan
– Australia
– Israel
– The Netherlands
– People’s Republic of China including Hong Kong
– Switzerland
– France
– Germany
– Iceland
– Italy
– Lebanon
– Singapore
– Sweden
– South Korea
– South Africa
– Canada
– Spain
– USA
– Portugal
– India
– Finland
– Norway
– Jordan
– Brazil
– Austria
– Pakistan
– Jamaica
– Luxembourg
– Oman
Sinabi ni Morente na magdudulot ito ng mas mababang bilang ng mga biyaherong darating sa bansa sa mga susunod pang linggo.
Kasabay nito pinaalalahanan ni Morente ang mga international traveler na palagiang sumunod sa social distancing at personal hygiene sa kanilang pagbiyahe.
“We are implementing strict social distancing measures in the immigration areas at the airports, to ensure that contact is minimized during travel,” ayon kay Morente. (D. Cargullo)