Pinakamataas na single-day cases ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng pinakamataas na recorded cases ng COVID-19 sa Eastern Visayas simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa noong 2020.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes, June 10, umabot sa 572 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Dahil dito, sumampa na sa 23,338 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa nasabing bilang, 2,058 ang active cases at 20,948 ang gumaling naman.
332 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Sa ngayon ay nasa 1,541 o 6.90% ang aktibong kaso sa rehiyon.
Ang 572 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Northern Samar (123)
Tacloban City (112)
Leyte (163)
Southern Leyte (82)
Samar (44)
Ormoc City (28)
Eastern Samar (15)
Biliran (5) (Dona Dominguez-Cargullo)