Pilipinas hindi pa “bigo” sa laban nito kontra COVID-19 ayon kay Dr. Ted Herbosa
Hindi pa masasabing bigo ang gobyerno sa laban nito sa COVID-19.
Ito ang paniniwala ng medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Ted Herbosa sa kabila ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Herbosa, nananatili ang operasyon ng mga ospital at patuloy na nagsisilbi sa kabila ng madami nang mga kaso at pasyente.
Pahayag ito ni Herbosa matapos sabihin ni Dr. Jaime Almora, presidente ng Philippine Hospital Association na maituturing nang “bigo” ang bansa sa laban nito sa COVID-19.
Aminado naman si Herbosa na talagang maraming ospital sa Metro Manila ang overcrowded na sa COVID-19 patients.
Kaya ang ibang mga pasyente ay dinadala sa mga ospital sa mga lalawigan na nasa labas ng NCR Plus.