Physical activities, mass gathering ipinagbawal sa pagdiriwang ng Pista ng Sto. Nino sa Maynila
Ipinagbawal ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang lahat ng uri ng pisikal na aktibidad at mass gathering para sa Pista ng Sto. Nino.
Sa nilagdaang Executive Order No. 04 ng alkalde, bawal ang pagdaraos ng prusisyon, street parties, stage shows, parada, palarong kalye, ati-atihan at iba pang kahalintulad na aktibidad para sa pista ng Santo Nino de Tondo at Santo Nino de Pandacan.
Hinimok ni Domagoso ang publikok na gunitain na lamang ang kapistahan sa kani-kanilang mga bahay kasama ang pamilya.
Ito ay para maiwasan ang paglaganap pa lalo ng COVID-19.
Ipinagbawal din ang pagbebenta ng nakalalasing na inumin para sa nasabing pagdiriwang. (DDC)