PHIVOLCS nagbabala sa publiko kaugnay sa pekeng Twitter account
Binalaan ng PHIVOLCS ang publiko sa pagkakaroon ng pekeng account sa Twitter.
Ayon sa PHIVOLCS mayroong gumawa ng pekeng Twitter gamit ang handler na @phivolcsdost.
Sinabi sa pahayag na ang official at verified account ng DOST-PHIVOLCS ay
@phivolcs_dost.
Paalala ng PHIVOLCS, mag-ingat sa mga pekeng account at mga nagpapanggap.
Tumanggap lamang ng lehitimong impormasyon mula sa mga verified sources.