Philippine Red Cross nakapagsagawa na ng 2 milyong COVID-19 test

Philippine Red Cross nakapagsagawa na ng 2 milyong COVID-19 test

Wala pang isang taon mula nang simulan ng Philippine Red Cross ang testing para sa COVID-19 ay umabot na sa mahigit 2 milyong tests ang naisagawa nito sa buong bansa.

Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, pinalawak ang kapasidad sa testing ng PRC sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga laboratoryo na umabot na 13 at paghahanap ng mga lugar na maaaring gawing collection sites katulad ng mga malls.

Ang bagong alternatibo na Saliva RT-PCR testing ay nagbigay-daan din upang mapabilis at mas maging madali ang pagtest – lalo’t higit sa mga taong natatakot sa pag-swab sa ilong at bibig.

“Hope begins with the Red Cross, hindi tumitigil ang Red Cross sa pagtest kahit may bakuna na dahil mahalagang parte ng laban sa COVID-19 ang magtest at maihiwalay ang mga positibo upang hindi makapanghawa at dumami ang maysakit,” paalala ni Gordon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *