Phase 2 ng widening at dredging operations sa Marikina River nagpapatuloy

Phase 2 ng widening at dredging operations sa Marikina River nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang widening at dredging operations sa Marikina River.

Layunin nitong maitaas ang kapasidad ng Marikina River sa pagragasa ng tubig sa panahon ng tag-ulan.

Magkatuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para matapos na ang Phase 2 ng Marikina River Rehabilitation Project sa ilalim ng Task Force Build Back Better (TF-BBB).

Sakop ng Phase 2 ng proyekto ang bahagi ng Barangays Santolan, Manggahan, at Rosario sa Pasig City.

Habang ang Phase 1 ng proyekto na sakop ang Barangays Barangka, Calumpang, at Industrial Valley sa Marikina City ay natapos na noong July 21, 2021.

Ang DPWH ang namamahala sa engineering interventions ng proyekto habang sinasabayan ito ng DENR ng pagtatanim ng bamboo at rehabilitasyon sa eroded riverbanks. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *