Bahagi ng PGH tinupok ng apoy, ilang pasyente inilikas
Inilikas ang ilang mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.
Ito ay makaraang sumiklab ang apoy mula sa ikatlong palapag ng ospital.
Batay sa ulat ng Manila Fire Department, ang operating room suplay area ng pagamutan ang natupok.
Ang linen area ng Operating Room ang nasunog kaya malakas ang usok mula sa gusali ng PGH.
Nagsimula ang sunog alas 12:41 ng madaling araw na umabot ng 2nd alarm.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mabilis namang nailikas ang mga pasyente at wala namang nasaktan.
Samantala dinala muna sa Sta. Ana Hospital ang 12 sanggol na pasyente ng PGH-NICU matapos ang naturang sunog.