PGH Director Dr. Gerardo “Gap” Legaspi kauna-unahang Filipino health worker sa bansa na nabakunahan kontra COVID-19

PGH Director Dr. Gerardo “Gap” Legaspi kauna-unahang Filipino health worker sa bansa na nabakunahan kontra COVID-19

Si Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo “Gap” Legaspi ang kauna-unahang Filipino health worker sa Pilipinas na nabakunahan laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng pagdating sa bansa ng unang batch ng CoronaVac mula sa kumpanyang Sinovac sa China.

Isinagawa ito sa idinaos na Symbolic Vaccination sa Philippine General Hospital araw ng Lunes (March 1).

Kasunod ni Legaspi, binakunahan din sina FDA Dir. Gen. Eric Domingo, Dr. Edsel Salvana at MMDA Chairman Benhur Abalos.

Sa idinaos na Symbolic Vaccination sa iba pang ospital gaya ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, unang tumanggap ng bakuna sina Dr. Alfonso Victorino Famaran, Jr., Medical Center Chief II at Nurse Samuel Sumilang, Chief of Nursing Service.

Si COVID Testing Czar Vince Dizon, tumanggap na din ng unang dose ng Corona Vac COVID-19 vaccine sa Tala Hospital sa Caloocan.

Habang sa Lung Center sa Quezon City, mismong si Health Sec. Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna kay Dr. Eileen Aniceto, ang Emergency Medicine Department head ng ospital.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *