Petron Corporation dapat bawiin ng gobyerno

Petron Corporation dapat bawiin ng gobyerno

Ipinababawi ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate sa gobyerno ang Petron Corporation.

Ayon kay Zarate na kung bibilhin at mapapasailalim sa kontrol ng pamahalaan ang Petron ay ma-re-regulate ang oil industry at makokontrol ang presyo ng produktong petrolyo.

Ang Petron ay dating pagaari at kontrolado ng estado at kasalukuyang pinakamalaki at tanging oil refining at marketing company na publicly listed kaya kung maibabalik ulit sa pamahalaan ay malaki ang epekto nito para mapagaan ang oil prices.

Simula 15th Congress ay isinusulong na ng Bayan Muna sa Kamara ang pagbabalik ng Petron sa pamahalaan at ngayong 18th Congress ay nakapaloob ito sa inihaing House Bill 4711 o Renationalize Petron bill.

Sakaling maging batas ay layon din nito na makontrol ang cartel at monopolyo ng presyo ng langis sa bansa.

Ang hakbang ay dahil na rin sa pitong magkakasunod na taas sa presyo ng mga produktong petrolyo at langis sa bansa. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *