Petisyon ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo ibinasura ng PET
Ibinasura na ng Korte Suprema na tumatayo din bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang election protest ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Unanimous ang naging botohan kung saan sa 15 mahistradong present sa sesyon ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka.
“Out of the 15 members of the Tribunal who were present in today’s meeting, 7 members fully concurred in the dismissal while 8 concurred in the result,” ayon kay Hosaka.
Sinabi ni Hosaka na iu-upload sa website ng SC ang kopya ng resolusyon ng Tribunal.