Pekeng “contact tracers” kumukuha ng impormasyon, nanghihingi ng pera

Pekeng “contact tracers” kumukuha ng impormasyon, nanghihingi ng pera

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko dahil mayroong ilang indibidwal na nagpapanggap na “contact tracers”.

Ayon sa abiso ng DOH, may mga mamamayan na nakatatanggap ng tawag sa telepono mula sa mga nagpapakilalang miyembro ng DOH Contact Tracing Team.

Hinihingi umano ng mga ito ang personal na impormasyon at pagkatapos ay hinihingan din ng pera ang mabibiktima.

Payo ng DOH, huwag i-entertain ang ganitong uri ng tawag.

Nakipag-ugnayan na ang DOH sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa problema.

Paalala ng DOH, wala silang “contact tracing team”.

Kung mayroong magbabahay-bahay at magpapakilalang bahagi sila ng “LGU Contact Tracing Team” mainam na beripikahin muna at tiyaking sila ay ini-refer ng Barangay Health Emergency Response Teams o BHERTs.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *