PBA sinuspinde muna ang lahat ng laro na nakatakda ngayong linggo
Sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) ang lahat ng naka-schedule na laro ngayong linggo.
Kasunod ito ng pagtataas ng Alert Level 3 sa Metro Manila na nagbabawal sa pagsasagawa ng anumang uri ng contact sports
Sa inilabas na pahayag ng PBA, mananatiling suspendido ang mga laro hangga’t walang pasya ang Games and Amusement Board (GAB) kung papayagan bang ipagpatuloy ang season.
Nagpadala na ng sulat ang PBA sa GAB at naghihintay na lamang ito ng tugon.
Kung sakaling pumayag ang GAB na maituloy ng PBA ang season, kailangan pa ding kumuha ng approval mula LGU kung saan idaraos ang mga laro. (DDC)