Payo ng DOH: Christmas celebration gawing limitado lang sa mga miyembro ng pamilya

Payo ng DOH: Christmas celebration gawing limitado lang sa mga miyembro ng pamilya

Ngayong holiday season, hiniling ng Department of Health (DOH) sa publiko na isantabi muna ang tradisyunal na “get together” kapag nagdiriwang ng Pasko.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hinihiling nila sa lahat na gawing limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya ang pagdiriwag ng Pasko.

Maari pa rin naman aniyang maibahagi ang Christmas spirit sa pamamagitan ng pagdalo ng misa via online, at pagkakaroon ng virtual gatherings.

“We request everyone to celebrate with those living in your household. We can still share the spirit of the Season via online masses, meeting, and calls,” ayon kay Duque.

Ngayong Lunes, December 7 ay nag-inspeksyon si Duque kasama sina DOTr Sec. Arthur Tugade at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa PITX.

Ito ay para tingnan ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa terminal.

Nagbitbit pa ng mga “meter stick” sina Duque para ipakita sa publiko ang tamang sukat ng distansya sa isa’t isa.’

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *