Patutsada ng grupo ng mga nurse sa mga nag-iikot nang pulitiko: Tao muna bago sarili

Patutsada ng grupo ng mga nurse sa mga nag-iikot nang pulitiko: Tao muna bago sarili

Kinatigan ng isang grupo ng mga nurse sa bansa ang naging patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno sa ilang pulitiko na nag-iikot na bilang paghahanda sa May 2022 election gayong may malaki pang problema sa COVID 19 pandemic at malayo pa ang eleksyon.

Ayon sa Ang Nars Partylist group dapat unahin ng mga pulitiko ang nangyayari ngayon lalo at matagal pa naman ang eleksyon.

“Kalusugan ng tao muna bago ang eleksyon. Concentrate muna sa lahat ng paraan para maayos ang COVID 19 response. Dapat tao muna bago ang sarili”pahayag ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz.

Si Moreno ay una na ding nagpatutsada sa mga pulitiko na abala sa pag iikot , aniya, obligasyon ng mga Mayor na manatili sa kanilang mga siyudad, kailangang kailangan umano ng taumbayan ang mga mayor nila na dapat nasa lungsod at hindi nag-iikot ikot sa kung kani-kaninong pulitiko o partido.

Bagamat hindi partikular na tinukoy ni Moreno si Mayor Sara ngunit malinaw na pasaring ito sa alkalde na kamakailan lamang ay bumisita kay Cebu Governor Gwen Garcia, na sinundan ng pakikipagpulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang bahagi umano ng “continuing consultations” kung saan kasama dito si Davao Occidental Governor Claude Bautista ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional party na binuo ni Mayor Sara.

Kamakalawa ay bumisita si Mayor Sara sa Zamboaga City para kamustahin ang mga sugatang sundalo mula sa bumagsak na C-130 at pumirma ng sisterhood agreement ng Davao at Zamboanga City sa pagitan ni Zamboaga Mayor Maria Isabelle Climaco.

Sa pinakahuling OCTA Research List na may petsang July 12 ay nangunguna pa rin ang Davao City sa mga Local Government Units sa labas ng National Capital Region na may pinakamataas na COVID cases, lumitaw na 235 kada araw ang naitatalang kaso sa Davao habang umabot na sa 91% ang hospital Intensive care unit utilization rate.

Kumpara sa Davao ay pababa na ang kaso sa ilang lalawigan, batay sa talaan ng Department of Health at OCTA Research ay nasa 110 ang kaso sa Iloilo, Bacolod(84), Cebu City(81), Cagayan de Oro(68), General Santos(67), Baguio City(58) Tagum(44), Lapu Lapu(39) at NCR (639).

Simula buwan ng Mayo lumobo ang COVID cases sa Davao at noong Hunyo 17 naitala ang pinakamalaking COVID infection na nasa 482 sa loob ng isang araw kung saan naungusan pa nito ang Quezon City na mas malaki ang populasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *