Patnongon, Antique niyanig ng magnitude 3.5 na lindol; Intensity III naitala sa Barbaza, Antique
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Antique.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 37 kilometers northwest ng Patnongon, 11:26 ng umaga ng Biyernes, March 12.
May lalim na 6 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity III – Barbaza, Antique
Intensity II – Tibiao, Antique
Intensity I – San Jose de Buenavista, Antique
Instrumental Intensities:
Intensity III – Culasi, Antique
Intensity I – San Jose de Buenavista & Sebaste, Antique
Ayon sa Phivolcs hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.