Pasig River Ferry balik-normal na ang operasyon
Balik na sa normal at full operations ang Pasig River Ferry Service (PRFS).
Ayon sa abiso ng MMDA, ngayong araw, Oct. 9 ay nakapag-operate na muli ng buo ang ferry.
Ang biyahe ng mga Ferry boat ay mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang sa Escolta sa Manila na muli.
Sinabi ni Irene Navera, PRFS central admin officer, mayroong walong eight operational ferry stations na kinabibilangan ng mga sumusunod:
– Guadalupe
– Hulo
– Valenzuela
– Sta. Ana
– Lawton
– Escolta
– San Joaquin
– Pinagbuhatan
Kahapon araw ng Huwebes nagbalik operasyon ang River ferry pero partial lamang ang naging biyahe.
Libre pa rin ang sakay sa Pasig River Ferry ng mga healthcare workers, government employees, at lahat ng APORs.