Partial operations ng PNR Clark Phase 1 itinakda ng DOTr sa 4th quarter ng 2021

Partial operations ng PNR Clark Phase 1 itinakda ng DOTr sa 4th quarter ng 2021

Bago matapos ang kasalukyang taong 2021 ay inaasahan ang partial operations ng PNR Clark Phase 1.

Ang Phase 1 ng proyekto ay mula Tutuban patungong Malolos na ngayon ay nasa 43 percent na ang progress rate.

Ayon kay Philippine National Railways (PNR) General Manager Junn Magno, sa second quarter ng 2024 ay inaasahan ang full operations ng proyekto.

Ang PNR Clark Phase 1 ay first leg ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Ayon kay Magno, sa sandalling matapos ang PNR Clark Phase 1 ang biyahe mula Tutuban at Malolos at pabalik ay magiging 35 minuto na lamang mula sa kasalukuyang 1 oras at 30 minuto.

Inaasahan din na aabot sa 330,000 na pasahero ang railway capacity.

Samantala, ngayong taon nakatakda ang groundbreaking sa PNR Clark Phase 2 naman na mula Malolos, Bulacan patungong Clark, Pampanga.

Sa sandaling matapos ang Phase 2 ang biyahe sa pagitan ng Bulacan at Pampanga ay magiging 35 minuto na lamang mula sa kasalukuyang 1 oras at 30 minuto.

Ang 54-kilometer second segment ng NSCR ay magiging partially operational sa second quarter ng 2023.

Habang ang full operation ay inaasahan sa third quarter ng 2024.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *