Partial opening ng NLEX-SLEX Connector Project target ngayong taon ayon sa DPWH
Ininspeksyon ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar ang NLEX-SLEX Connector Project sa 4th Ave sa Caloocan City.
Kasunod ito ng paglulunsad ng “Super T technology” na gagamitin sa nasabing proyekto.
Ayon kay Villar, ang NLEX-SLEX Connector Project ang magkukunekta sa Harbor Link sa Skyway.
Lahat ng truck na galing sa Port Area ay maaring gamitin ang connector para makadiriresto ng south area.
Ang NLEX-SLEX Connector ay may habang 8 kilometers at mayroong tatlong exits kung saan ngayong taon ay target na mabuksan ang Espana ramp.
Sinabi ni Villar na unang pagkakataon ito sa Pilipinas na gagamit ng Super T girders.
Ito ginagamit na sa mga tulay sa Australia at New Zealand. (D. Cargullo)