Paris Hilton engage na sa BF niyang si Carter Reum
Engage na si Paris Hilton sa kaniyang boyfriend na venture capitalist na si Carter Reum.
Sa larawang ibinahagi ni Hilton sa kaniyang Instagram Account, may caption itong “My fairytale came true! I love my future husband so much! Best birthday surprise ever!! Excited to be your wife!”.
Ikinuwento din ni Hilton na para sa kaniyang birthday, niyaya siya ng BF sa isang special trip sa tropical paradise.
Doon aniya nangyari ang proposal.