Panuntunan sa pagpapatupad ng community service penalty aprubado na ng SC

Panuntunan sa pagpapatupad ng community service penalty aprubado na ng SC

Inaprubahan na ng Korte Suprema ang guidelines o pamantayan sa pagpapatupad ng community service penalty sa mga nahahatulan sa minor crimes.

Sa pinadalang advisory sa media, magsisimula ang implementasyon nito sa Nobyembre a-dos alinsunod sa Administrative Matter o A.M. No. 20-06-14-SC na binalangkas ng Supreme Court En Banc noong October 6, na magkakabisa sa November 2, 2020 matapos na lumabas sa mga pangunahing publication.

Ang hakbang ay tugon ng SC sa ipinasang batas ng Kongreso na Republic Act 13362 o ang Community Service Act na linagdaan ng Pangulong Duterte noong August 8, 2019 at nagbibigay ng otoridad sa Korte Suprema na magtakda ng community service sa halip na pagkabilanggo sa mababa o minor offenses na ang katapat na parusa ay arresto menor o arresto mayor.

Tungkulin naman ng hukom na ipabatid sa akusado in open court na maaari siyang mamili ng parusa kung community service sa lugar kung saan naganap ang krimen.

Kailangan ding ipaliwanag ng hukom sa akusado na bawal siyang mag-apply ng commujity service o probation sa sandaling iapela ng akusado ang hatol laban sa kanya.

Ang application for community service ay kailangang ihain sa loob ng panahon na itinakda para sa paghahain nito at kailangang maresolba sa loob ng limang araw.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *