Panukalang ibalik sa “Montalban” ang pangalan ng bayan ng “Rodriguez” sa lalawigan ng Rizal pasado na sa committee level sa kamara
Umarangkada na sa komite sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong maibalik ang pangalan ng bayan ng “Rodriguez” sa bayan ng “Montalban”.
Ayon kay Cong. Fidel Nograles, aprubado na ng House Committee on Local Government ang House Bill 337 o an Act Renaming the Municipality of Rodriguez to the Municipality of Montalban.
Sinabi ni Nograles na mahigit 40 taon nang ikinalilito ng publiko kung ano ang totoong pangalan ng bayan.
Napapanahon na aniyang ibalik ito sa makasaysayang tawag na “Montalban”.
“Mahigit kwarentang taon na po nalilito ang mga tao sa totoong pangalan ng ating bayan, at panahon na po na ibalik ang ating tunay na pangalan upang yakapin at ipagmalaki ng bawat Montalbenyo ang ating napakayaman na kasaysayan, kultura, at tradisyon,” ayon kay Nograles.
Mula sa committee level ay sunod na dadaan sa second reading sa Kamara ang naturang panukala.