Panukalang batas na magpapaliban sa pagtataas ng SSS contributions pasado na sa Senado

Panukalang batas na magpapaliban sa pagtataas ng SSS contributions pasado na sa Senado

Inaprubahan na sa 3rd reading sa Senado ang panukalang batas na magpapaliban sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS.

Aprubado ang Senate Bill No. 2027 o Social Security Act of 2018 na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na ipagpaliban ang SSS contribution hike.

21 senador ang bumoto para sa naturang panukalang batas.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2027, binibigyang kapangyarihan ang pangulo ng bansa na suspindihin ang naka-schedule na pagtaas ng SSS contributions sa loob ng anim na buwan at maari pang palawigin ng anim na buwan pa sa panahon na mayroong state of national emergency o kalamidad.

Ayon kay Senator Richard J. Gordon, na sponsor ng panukala, hindi napapanahon ang SSS contribution increase dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 sa mga mamamayan at maging sa business sector.

Sa ilalim ng RA No. 11199, o Social Security Act of 2018, ang SSS ay nakatakda dapat na magtaas ng singil sa kontribusyon ng 13% mula sa kasalukuyang 12%.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *