Panukalang batas na magbibigay ng 7 araw na emergency leave sa mga empleyadong biktima ng kalamidad inihain sa Kamara

Panukalang batas na magbibigay ng 7 araw na emergency leave sa mga empleyadong biktima ng kalamidad inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang panukalang bayas na magbibigay ng pitong araw na special emergency leave para sa mga manggagawa na naapektuhan ng kalamidad.

Sa House Bill 8847 o Lingkod Calamity Leave Act ni Bulacan rep. Jose Antonio Sy-Alvardo, ang panukalang batas ay makatutulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Sakop ng panukalang batas ang mga empleyado sa pribado at public sectors.

Ayon kay Sy-Alvardo, sa ilalim ng panukala, ang kwalipikadong empleyado ay mabibigya ng pitong araw na emergency leave kada taon.

Maari nila itong mai-avail sa mga sumusunod na dahilan:

– kung sila ay na-stranded sa lugar na naapektuhan ng bagyo at walang masasakyan papasok sa trabaho.
– Kung sila ay nagkasakit matapos maapektuhan ng kalamidad
– Kung sila ay nangangalaga sa kaanak na naapektuhan ng kalamidad
– at kung kinakailangan nilang maglinis o mag-ayos ng bahay na nasira o naapektuhan ng bagyo

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *