Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa
Isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 245 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon maliit pa ang tsansang mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA.
Samantala, apektado pa din ng Tail-End of a Frontal System ang eastern section ng Southern Luzon.